Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela na ng PAL Express ang sumusunod na flights:
2P 2079 at 2080 Manila – Catarman – Manila
2P 2265/2266 Manila – Naga – Manila
2P 2261/2262 Manila – Naga – Manila
Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan ngayon sa Catarman.
Sa weather advisory kasi ng PAGASA, ang Low Pressure Area na nakapaloob sa Inter Tropical Convergence Zone ay nasa bahagi ng Northern Samar.
Pinapayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng kanilang flight.
MOST READ
LATEST STORIES