Umano’y pusher, patay sa riding-in-tandem sa Pasig City

 

Patay ang isang hinihinalang drug pusher matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. San Nicolas, Pasig City.

Kinilala ang biktima na si Joewender Padilla Alyas Epiot, 39 anyos na nasa watchlist ng pulisya bilang user at tulak ng droga.

Ayon kay Senior Superintendent Orlando Yebra, hepe ng Pasig Police, nakatayo lang ang biktima sa isang waiting shed sa Caruncho Avenue nang pagbabarilin ito ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Nabatid na nakulong na noon ang biktima dahil sa kasong Acts of Lasciviousness.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa droga ang motibo sa pamamaril.

Read more...