Higit 80 OFW na hindi pinasweldo ng employer sa Riyadh, nakauwi na

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Nakabalik na sa bansa ang may 82 Overseas Filipino Workers mula Riyadh, Saudi Arabia.

Sakay ng Saudi Airlines flight SV 874 mula Riyadh, lumpag dakong alas 10:00 kagabi ang mga OFW sa NAIA Terminal 1.

Ang mga nakabalik na OFW ay tumanggap sa alok na repatriation program ng gobyerno dahil sa nararanasan pa rin sa krisis sa Saudi.

Ang mga nakauwing OFW ay hindi na pasuweldo ng kanilang employer na Saudi Oger ng 10 buwan.

Tanging si OWWA Welfare Officer Dr. Amelito Adel ang sumalubong sa mga OFW bumalik ng bansa.

Ayon kay Dr. Adel ang ilang mga OFW ay kanilang inihatid sa mga terminal ng bus at binigyan ng pamasahe upang makauwi agad sa kanilang mga probinsya.

Ang ilan naman na OFW na taga- Visayas at Mindanao ay kanilang pinatuloy sa kanilang tanggapan o shelter habang inaayos ang kanilang tiket pauwi.

Mahigit 2,000 OFWs na ang napauwi ng gobyerno mula noong buwan ng Hulyo dahil sa tumitinding krisis sa paggawa sa Saudi.

Una ng tumanggap ng 26,000 pesos ang mga OFW noon pang buwan ng September.

Read more...