Ito ang kinumpirma ni Tourism Department Secretary Wanda Teo kasabay ng pagkumpirma na tuloy na sa January 2017 ang pagtatanghal ng Miss Universe dito sa bansa.
Si Harvey ay naging kontrobersyal noong nakaraang Miss Universe pageant nang magkamali ito sa pag-anunsyo ng tunay na nanalo sa beauty contest.
Una munang idineklara ni Harvey si Miss Colombia bilang panalo sa Miss Universe.
Ngunit makalipas ang ilang minuto, habang masayang-masaya na si Miss Colombia at suot na ang korona, biglang binawi ni Harvey ang kanyang anunsyo at idineklara si Miss Philippines Pia Wurtzbach bilang tunay na nagwagi bilang 2015 Miss Universe queen.