Ginang at dalawang anak, nagpositibo sa Zika virus sa Cavite

Zika virusNagpositibo sa Zika virus ang isang babae at kanyang dalawang anak sa Cavite.

Ayon kay Doctor Nelson Soriano, provincial epidemiologist, nagpakita ng mga sintomas ng trangkaso ang mga biktima.

Isinailalim sila sa pagsusuri sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City at doon nakumpirma na positibo sa Zika ang ina at dalawang bata.

Walang history ng pagbiyahe sa ibang bansa ang mag-iina.

Sinabi ni Soriano na inilagay sa isolation ang tatlo sa kanilang bahay sa loob ng dalawang linggong infective stage ng sakit.

 

 

Read more...