Bagyong binabantayan ng PAGASA, lumakas pa, isa nang tropical storm

weather updateLalo pang lumakas ang bagyong binabantayan ng PAGASA na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Mula sa pagiging tropical depression, isa na ngayong tropical storm ang bagyo na may international name na “Meari”.

Sa 11AM advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 1,385 kilometer east ng Luzon o nasa labas pa ng bansa.

Taglay na nito ngayon ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, lalo pang bumagal ang kilos ng bagyo at halos hindi na gumagalaw.

Tatawagin itong “Marce” sa sandaling makapasok ng bansa.

Samantala, ang isa pang bagyo na nasa labas din ng PAR ay huling namataan sa 2,270 kilometer east ng Luzon.

Taglay naman nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

 

 

Read more...