Empleyadong nagbitiw o natanggal sa trabaho ngayong taon, entitled pa rin sa 13th month pay

factory-workersMaging ang mga empleyadong nagbitiw sa pwesto o natanggap sa trabaho ngayong taon ay entitled o dapat bayaran ng 13th month pay ng kanilang employer.

Ito ang paalala ng National Wages Productivity Commission (NWPC) sa mga employer hinggil sa tamang pagkakaloob ng 13th month pay samga manggagawa.

Ayon sa NWPC, lahat ng empleyado, regular man o hindi ay entitled sa 13th month pay.

Kahit pa isang buwan lang na nagtrabaho sa kumpanya ang isang empleyado at nagbitiw ito sa pwesto o ‘di kaya ay natanggal sa trabaho.

Ang computation ayon sa NWPC ay depende sa kung gaano katagal nagtrabaho sa kumpanya ang nagbitiw o sinibak na empleyado.

“Kung kayo ay nag-resign o natanggal sa trabaho sa anumang panahon bago ibigay ang 13th month pay, kayo pa rin ay dapat na makatanggap ng 13th month, base sa kung gaano katagal kayong nagtrabaho sa kumpanya sa loob ng isang taon,” ayon sa NWPC.

Muli namang ipinaalala ng NWPC na ang 13th month pay ay dapat maibigay sa manggagawa ng hindi lalagpas sa December 24, 2016.

May choice din umano ang employer na hatiin ang pagbibigay ng 13th month pay, ang unang bahagi ay maaring ibigay bago ang bagbubukas ng regular school year at ang natitira ay bago o sa mismong Dec. 24.

 

 

 

Read more...