Nilagdaan ni Customs Commissioner NIcanor Faeldon ang pagsibak kay Alcaraz sa nasabing pwesto at pansamantalang ipinalit si Isabelo Tibayan III.
Noong nakaraang Martes, sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang matanggal sa pwesto ang isang opisyal ng customs dahil sa pagkakasangkot sa korapsyon.
Bagaman hindi tinukoy ng pangulo kung sino, sinabi ni Atty. Mandy Anderson, chief of staff ni Faeldon na alam nilang si Alcaraz ang tinutukoy ng presidente dahil wala namang reklamo laban sa iba pang opisyal o deputy commissioners ng ahensya.
Si Alcaraz ay nahaharap sa kasong graft sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagkakasangkot sa umano pangingikil.
Samantala, mananatili sa compliance monitoring unit ng BOC si Alcaraz.
Ayon kay Anderson, ito ay habang hinihintay nila ang pormal na rekkamo ng umano’y kinotongan ni Atty. Alcaraz.
Sinabi ni Anderson na tinanggal lamang si Alcaraz bilang OIC ng Enforcement Group at hindi pa makapagsagawa ng administrative investigation ang customs laban dito dahil sa wala pang reklamo sa kanila.
Pero sakalimg makakuha sila ng kopya ng reklamo mula sa NBI ay magsisimula na sila ng imbestigasyon.