Libu-libong pasahero, dagsa pa rin sa mga pantalan sa bansa

Tuluy-tuloy ang pagdagsa sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ng mga pasahero na nag-uwian sa mga probinsya dahil sa paggunita sa Undas.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard (PCG), umaabot na sa kabuuang 44,810 ang bilang ng mga outbound passenger sa mga pantalan sa bansa.

Pinakamarami rito ay mula sa Western Visayas na mayroong naitalang 13,205.

Narito naman ang bilang ng mga pasahero na naitala sa iba pang pantalan sa bansa:

Central Visayas – 9,937
Southern Tagalog – 6,448
Northern Mindanao – 5,779
Eastern Visayas – 3,405
Bicol – 2,694
South Western Mindanao – 1,855
South Eastern Mindanao – 1,053
NCR – 434

Nananatili na nakataas ang heightened alert sa buong pwersa ng Philippine Coast Guard kaugnay ng paggunita sa Undas at ito ay tatagal hanggang araw na ito, November 3.

Read more...