8-anyos na Pinoy, bibida sa bagong Disney film na “A Wrinkle in Time”

Derec McCabe

Isang 8-anyos na Pinoy ang napili para sa major role sa bagong pelikula ng Disney na “A Wrinkle in Time”.

Si Deric McCabe, ang gaganap bilang Charles Wallace sa nasabing pelikula na hango sa multiple award winning fantasy novel ng manunulat na si Madeleine L’Engle.

Ang American screenwriter at film director na si Jennifer Michelle Lee na tanyag sa 2013 Disney animated feature na Frozen ang director ng “A Wrinkle in Time”.

Makakasama ng batang Pinoy ang mga bigatin na artista sa Hollywood na sina Zach Galifianakis, Reese Witherspoon, André Holland, Levi Miller, Mindy Kaling at Oprah Winfrey.

Ang pelikula ay una lamang sa serye ng mga libro ni L’Engle kaya marami ang nagsasabing malaki ang tsansa ni Deric na maging susunod na Daniel Radcliffe ng Harry potter sa sandaling maging matagumpay ang “A Wrinkle in Time” at magkaroon ng sequel.

Si McCabe ay mapalad na napili sa libu-libong nag-audition para sa nasabing role na umabot ng anim na buwan bago natapos.

 

Read more...