18 patay, 44 nawawala sa paglubog ng speedboat sa Indonesia

 

Hindi bababa sa 18 katao ang kumpirmadong nasawi sa pag-bangga at paglubog ng isang speedboat sa isla sa Indonesia.

Nasangkot ang isang speedboat na may sakay na 101 katao sa aksidente nang sumalpok ito sa isang bahura dahil sa paghampas ng malakas na hangin at alon, saka lumubog.

Ayon sa disaster agency ng Indonesia, naganap ang aksidente habang patungo ang speedboat sa Batam island sa Indonesia mula sa Johor, Malaysia.

Sakay ng naturang bangka ang 98 na Indonesian migrant workers at tatlong tripulante.

Labingwalo ang nakumpirmang patay Miyerkules ng gabi, habang 39 naman ang nasagip nang buhay, ngunit ang natitirang 44 ay kasalukuyan pa ring hinahanap.

Ayon sa hepe ng regional police na si Sam Budigusdian, isang helicopter na ang katuwang nila sa paghahanap sa iba pang mga biktima.

Read more...