Hindi na naman nakapagpigil si Pangulong Rodrigo Duterte at nagpakawala na naman ng malulutong na mura sa Amerika.
Ito’y dahil pati ang kanyang anti-drugs campaign aniya ay idinadahilan ng Amerika para hindi matuloy ang pagbili ng armas.
Tatlong beses na minura ng pangulo ang Amerika sa kanyang talumpati sa Sual, Pangasinan sa send-off ng labimpitong fishermen na nahuli dahil sa illegal poaching.
Ayon sa pangulo, maari namang bumili ng armas ang Pilipinas sa Russia, China at iba pang bansa.
Ayon sa pangulo, pambabastos ang ginagawa ng Amerika sa Pilipinas kung kaya nakapagmura na naman siya.
Matatandaang matapos ang official visit ng pangulo sa Japan, sinabi nito na binulungan siya ng Panginoon kaya’t nangako na siya na hindi na muling magmumura.