Binati ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Oscar Albayalde ang mga grupong nakatuwang nila sa pagbabantay ng sa seguridad para sa paggunita ng Undas.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Albayalde ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Task Force NCR, mga lokal na pamahalaan, Fire Bureau, mga volunteer mula sa civic, communication at medical groups gayundin ang media.
Aniya ang zero crime incident ngayong Undas ay handog nila sa publiko.
Dagdag pa ni Albayalde bagamat nagbuhos sila ng puwersa sa mga libingan, public transport terminals at sa iba pang mga pampublikong lugar hindi naman nila pinabayaan ang kanilang anti-crime at law enforcement operations.
Sinabi pa ni Albalyalde na ngayong tapos na ang pagbabantay nila sa Undas, sisimulan naman na nilang ilatag ang kanilang planong pang-seguridad para sa nalalapit na kapaskuhan.