Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), suspendido ang biyahe ng PAL Express flight 2P 2084 at 2P 2085 Manila-Basco-Manila.
Hindi kasi maganda ang panahon sa bahagi ng Basco kaya hindi ligtas para sa eroplano ang lumapag doon at umalis.
Una nang sinabi ng PAGASA na ang mga bahagi ng Northern Luzon kabilang ang Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan, Ilocos Norte, Isabela, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan.
Samantala, sa abiso rin ng PAGASA, nakataas ang gale warning sa mga nabanggit na lalawigan sa Northern Luzon.
Ang mga bangkang pangisda at iba pang maliliit na sasakyang pandagat ay pinapayuhan na huwag munang pumalaot.