10-time NBA all-star Ray Allen, nagretiro na

Ray Allen (Mandatory Credit: Steve Mitchell-USA TODAY Sports)
Mandatory Credit: Steve Mitchell-USA TODAY Sports

Pormal nang inanunsyo ang pagreretiro ni Ray Allen sa NBA.

Matapos ang 2013-2014 season, hindi na lumagda ng kontrata sa anumang NBA team si Allen.

Ngayong umaga, opisyal na inanunsyo ng 41-anyos na si Allen ang pagtatapos ng kaniyang 18 years na career sa NBA sa pamamagitan ng isang self-written article.

“I write this to you today as a 41-year-old man who is retiring from the game. I write to you as a man who is completely at peace with himself.” Ayon kay Allen.

Sa pagtatapos ng kaniyang career, ang 10-time all-star ay nakapagtala ng 2,973 three-pointers.

Mayroon siyang average na 18.9 points, 3.4 assists at 4.1 rebounds.

Dalawang beses ding nakapagtala ng championship si Allen – ang una ay sa Boston noong 2008 at ikalawa ay sa Miami noong 2013.

 

 

 

Read more...