Sa ilalim ng mas pinalawig na number coding, mas maraming lugar na sa Metro Manila ang sasakupin ng pagpapatupad ng no window hour policy at aabot na hanggang alas 8: 00 ng gabi ang pag-iral ng number coding.
Mula ngayong araw, November 2, maliban sa EDSA, C5, Roxas Boulevard, Alabang-Zapote Road, Mandaluyong, Las Piñas at Makati ay iiral na rin ang ‘no window hours’ policy sa mas marami pang lansangan sa Metro Manila.
Kabilang dito ang mga sumusunod na lansangan:
• C1: CM Recto Avenue
• C2: Pres. Quirino Avenue
• C3: Araneta Avenue
• C6: Bulacan-Rizal-Manila-Cavite Regional Expressway
• R2: Taft Avenue
• R3: SLEX
• R4: Shaw Blvd.
• R5: Ortigas Avenue
• R6: Magsaysay Blvd./Aurora Blvd.
• R7: Quezon Avenue/Commonweath Avenue
• R8: A. Bonifacio Avenue
• R9: Rizal Avenue
• R10: Del Pan/Marcos Highway/MacArthur Highway
Layon ng mas pinalawig na polisiya na maibsan ang masikip na daloy ng trapiko ngayong holiday season.