Dalawang bagyo sa labas ng bansa, binabantayan ng PAGASA

Dalawang bagyo na pareho pang nasa labas ng bansa ang binabantayan ngayon ng PAGASA.

Sa update mula sa weather bureau, ang unang bagyo ay huling namataan sa 1,445 kilometer east ng Visayas taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers kada oras.

Habang ang isa pang bagyo ay huling namataan sa 2,839 kilometer east ng Luzon na may pareho ring lakas ng hangin at pagbugso.

Pareho ding west north west ang direksyon ng dalawang bagyo.

Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, ang bagyong mas malapit sa bansa ay posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na 24-oras at papangalanang Marce.

Ang isa namang bagyo ay maliit pa ang tsansa na pumasok ng bansa.

Ngayon araw, sinabi ng PAGASA na makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Visayas, Mindanao, Bicol Region at mga lalawigan ng Cagayan, Apayao, Ilocos Norte at Isabela.

Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng isolated rainshowers o thunderstorms.

 

 

 

 

Read more...