Drug suspect, patay sa buy bust operation sa Tondo, Maynila

crime-scene-e1400865926320Hindi na umabot pa ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang drug personality na si Jayson Falculan, matapos makipagbarilan sa ikinasang buy bust operation ng Manila Police District station 1 sa Road 10, Chesa Street, Brgy.118, Tondo, Maynila.

Sinabi ni Supt. Redentor Ulsano, hepe ng MPD station 1, nagpanggap na poseur buyer ang isa niyang tauhan nang biglang makatunog si Falculan na pulis ang kaniyang ka-transaksyon.

Kaya naman agad bumunot ng baril si Falculan at nakipagpalitan ng putok sa mga otoridad na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 na baril, dalawang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5,000 at P500 na buy bust money.

Read more...