Ito ang isiniwalat ni Pangulong Duterte nang matanong ng mga mamamahayag kasunod ng kanyang pagdalaw sa puntod ng kanyang ina at ama sa Davao City Public and Roman Catholic Church kagabi .
Pahayag ng pangulo, ang pinakamalaking pagkilala para sa isang tao ay ang maihimlay ito sa lugar na kanyang pinanggalingan.
“The greatest honor a man can have is to be buried from where he came from. Katabi nanay at tatay ko,” pahayag pa ni Pangulong Duterte.
Matatandaang hanggang sa kasalukuyan, pinagdedebatehan pa rin ngayon ang usapin ng pagliibing sa dating pangulong Ferdinand Marcos.
Nais ng pamilya Marcos na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating pangulo ngunit inaayawan ito ng maraming biktima ng nakaraang martial law.