Duterte, nilinaw na hindi niya tinanggihan ang climate pact

 

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naman niya talaga tuluyang tinatanggihan ang 2015 Paris Climate Agreement.

Ayon kay Duterte, hindi niya maaring aprubahan o tanggihan ang isang bagay na hindi pa naman inihaharap o ipinipresenta sa kaniya.

Kaugnay sa mga nauna niyang naging pahayag, sinabi ng pangulo na ang mga ito ay pawang mga pananaw at agam-agam lamang niya tungko sa isyu.

Nagiging maingat lang aniya siya dahil posibleng maging balakid ang anumang climate deal na kaniyang papasukin, sa pagpasok ng mga investors.

Aniya, marami siyang inimbitahang mga investors sa bansa na tiyak na magtatayo ng mga industrial estates.

Dagdag pa ng pangulo, kakailanganin niya pang marinig ang mga rekomendasyon sa kaniya ng kaniyang mga legal advisers, at ni Environment Sec. Gina Lopez upang makabuo siya ng desisyon na magiging mabuti sa kalikasan at sa ekonomiya ng bansa.

Read more...