Hinihinalang pusher, napatay sa buy-bust sa QC

 

Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga nang makipagbarilan umano sa operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs Operatives o SAID ng Station 4 ng QCPD sa Lower Gulod,Brgy. Sauyo,QC.

Batay sa spot report, nangyari ang insidente nang magsagawa ng buy- bust operation ang mga pulis sa suspek na si Rizalito Galang alyas Radgie na nauwi sa engkuwento.

Nanlaban umano ang suspek kaya’t napilitan ang mga pulis na paputukan ito.

Naisugod pa sa Novaliches District Hospital ang suspek makaraan siyang matamaan ng bala sa Hindi pa mabatid na parte ng kanyang katawan, subalit pagkalipas ng ilang minuto ay ideneklara na siyang dead on arrival.

Narekober sa suspek ang limang plastic sachets na naglalaman ng shabu, isang Cal. 38 revolver at ang perang ginamit sa buy bust operation.

 

Read more...