Reaksyon ito ni Pimentel sa ulat na ihihinto ng US ang pagbebenta ng mga armas sa Pilipinas dahil sa mga agam-agam nito kaugnay sa sitwasyon ng human rights sa bansa.
Ayon kay Pimentel, bukod sa ito na ang oras para tuklasin pa ang pandaigdigang merkado upang makahanap ng de kalibreng mga armas, oras na rin para pansinin ang mga pagbatikos na ibinabato sa atin.
Isang ulat mula sa Reuters ang lumabas na nagsasaad na itinigil na ng US State Department ang pagbebenta ng 27,000 assault rifles sa Pilipinas matapos kumontra si US Sen. Ben Cardin, na miyembro rin ng Senate foreign relations committee.
Ito ay dahil umano sa nakakaalarmang pagdami ng mga napapatay mula nang mas paigtingin pa ng administrasyong Duterte ang laban kontra iligal na droga.
Samantala, naniniwala naman si Senate Minority Leader Ralph Recto na ang desisyong ito ng US State Department ay dapat magsilbing hudyat para isulong ang produksyon ng armas dito sa bansa, dahil makapagbibigay rin naman ito ng trabaho sa mga tao.