Pagdinig sa Pemberton murder case, ipinagpaliban

Inquirer file photo

Ipinagpaliban ng Olongapo City RTC Branch 74 ang unang araw para sa kampo ni US L/Cpl Joseph Scott Pemberton upang magharap ng kanilang mga testigo at ebidensya.

Ito ay matapos maghain ng mosyon sina Atty. Rowena Garcia-Flores na ituloy na lamang sa Lunes, August 10 ang pagdinig dahil ngayong araw lamang nila natanggap ang kopya sa desisyon ng korte kaugnay sa formal offer of evidence ng prosekusyon.

Pag-aaralan pa raw ng depensa ang kautusan ng korte kung saan maghahain sila ng Motion for Reconsideration sa mga tinanggap na ebidensya.

Kailangan pa ring resolbahin ng korte ang mosyon ng bawat panig bago si simulan ang pagpiprisinta ng depensa ng kanilang testigo at ebidensya.

Si Pemberton ang itinuturong pumatay sa transgender na si Jeffrey ‘ Jennifer’ Laude noong Oktubre ng nakaraang taon./ Erwin Aguilon

 

 

Read more...