Ito ang inihayag ni Christopher “Bong” Go, Special Assistant to the President.
Madalas na pumupunta si Duterte sa libingan ng kanyang mga magulang sa Roman Catholic Cemetery tuwing Undas, death anniversary at kanilang kaarawan.
Ang ama ng Punong Ehekutibo ay si Vicente Duterte, na isang Cebuano lawyer, habang ang kanyang ina ay si Soledad Roa.
Nauna nang hiniling ng Presidente ang isang mataimtim na paggunita sa Undas.
Nagpahatid din ito ng mensahe sa mga manggagawa sa gobyerno at sa publiko na ipagpatuloy ang layunin ng lahat tungo sa tunay na pagbabago para sa ikabubuti ng mga Pilipino.
MOST READ
LATEST STORIES