Mga sementeryo, mas dinagsa ng mga tao ngayong All Saint’s Day

 

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon  sa Manila North Cemetery

Mas maraming tao ang dumagsa sa iba’t ibang sementeryo ngayong November 1 o All Saint’s Day.

Ito’y sa kabila na rin ng masamang panahon na nagdudulot ng pag-ulan.

Sa Manila North Cemetery, pumalo na sa mahigit kalahating milyon ang crowd estimate o bilang ng mga taong bumisita sa loob ng libingan.

Sa Manila South Cemetery naman, as of 12NN, umakyat na sa mahigit 60,000 ang crowd estimate.

Kuha ni Chona Yu / Crown estimate sa Manila South Cemetery

Sa Loyola Memorial Park sa Marikina City, as of 11AM din, nasa 7,700 ang mga taong dumalaw na sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay, habang sa Himlayang Pilipino sa Quezon City ay nasa 8,000 na ang crowd estimate.

Nasa 7,000 na rin ang mga pumasok na tao sa Manila Memorial Park sa Paranaque City.

Inaasahan na dadami pa ang mga taong dadagsa sa mga sementeryo dahil ngayong araw na lamang ang Undas Holiday.

Read more...