Miss Earth 2016 Katherine Espin, iginiit na hindi siya retokada

 

Iginiit ni Miss Earth 2016 Katherine Espin na hindi siya ‘retokada.’

Kasabay nito, hinamon ni Espin ang nagbitiw na si Miss Philippines-Earth Imelda Schweighart na patunayan ang alegasyon nito na siya’y nagpa-retoke.

Ayon kay Espin, na kandidata ng Equador sa naturang beauty pageant, wala siyang pinaayos sa kanyang mukha at kailanman ay hindi siya sumailalim sa plastic surgery.

Sa isang viral video, sinabi ni Schweighart na peke raw ang ilong, baba at dibdib ng bagong tanghal na Miss Earth.

Samantala, nilinaw ni Espin na hindi niya kasalanan na pinasuot sa kanya ang yellow gown, na ayon kay Schweighart ay sa kanya.

Paliwanag ni Miss Equador, nang makapasok siya sa Top 16 ay nabatid niyang hindi pala natapos ang pagtahi sa kanyang evening gown kaya ang ipinasuot na lamang sa kanya ay isang yellow dress.

Pero ani Espin, dapat na managot si Leo Almodal, ang designer ng gown, sa naganap na mix-up sa kasagsagan ng beauty pageant.

Sa kabila naman ng mga kontrobersiya, sinabi ni Espin na maligaya siya dahil ginawa niya ang lahat upang makamit ang korona para sa kanyang bansa,

Tututok na rin umano siya sa pagkuha ng bar exams, at mga tungkulin bilang bagong Miss Earth.

Read more...