‘Freddie Krueger’ namaril sa Halloween party sa Texas, lima sugatan

 

Sugatan ang lima katao sa isang Halloween party sa San Antonio, Texas makaraang walang habas na mamaril ang isang lalakeng naka-costume ng horror character na si ‘Freddie Krueger’.

Si ‘Freddie Krueger’ ang fictional character sa mga pelikulang ‘Nightmare on Elm Street’ na nakilala sa kanyang mga razor blade na mga daliri.

Ayon sa San Antonio Police, nagkakasiyashaan ang isang grupo ng mga dumadalo sa isang Halloweeen party nang dumating ang dalawang lalake kung saan isa sa mga ito ang naka-costume bilang si Krueger.

Gayunman, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa at ilang mga dumadalo sa kasiyahan dahil hindi imbitado umano ang dalawa sa party.

Dito na umano walang habas na namaril ang naka-Krueger costume na suspek na ikinasugat ng lima katao bago tuluyang tumakas.

Agad namang dinala sa pagamutan ang mga biktima samantalang patuloy ang paghahanap ng mga otoridad sa suspek.

Read more...