3 bagyo, posibleng tumama sa bansa ngayong buwan – PAGASA

 

Dalawang low pressure areas ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng maging bagyo.

Ayon sa PAGASA, posibleng umabot sa tatlong bagyo ang inaasahang tatama sa bansa ngayong buwan ng Nobyembre.

Isang low pressure area (LPA) kasi na nasa Intertropical Convergence Zone ang nagdudulot ngayon ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan partikular na sa bahagi ng Mindanao, na nakaka-apekto rin sa Palawan, Bicol at Visayas region.

Gayunman, sinabi ng weather forecaster na si Loriedin de la Cruz, ang LPA na nakapasok sa bansa noon pang isang araw ay may malabong maging bagyo.

Samantala, posible namang maging bagyo ang isa pang LPA ang nasa labas ng PAR at huling namataan sa silangang bahagi ng Visayas region, pero malabo naman itong pumasok sa bansa.

Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ang ikalawang LPA sa bansa, pero kung ito ay papasok sa PAR, ito ay papangalanang “Marce.”

Read more...