P0.10 na pagtaas sa presyo ng diesel at gasolina, ipatutupad ngayong araw

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO

Magpapatupad ng hanggang 10 sentimos na price increase sa ilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis epektibo ngayong unang araw ng Nobyembre.

Epektibo mamayang alas-6:00 ng umaga, magtataas ng 10 sentimos na dagdag sa presyo ng gasolina at diesel ang Petron, SeaOil, Caltex, Unioil, Phoenix Petroleum, Shell at Eastern Petroleum.

Gayundin ang halaga ng taas-presyong ipinatupad ng Flyin V sa kanilang mga produktong diesel at gasolina simula kanina pang 12:01 ng hatinggabi.

Samantala, naka-amba namang tumaas rin ng hanggang P2.50 ang halaga ng kada kilo ng liquefied petroleum gas o LPG anumang araw ngayong linggo.

Read more...