Ito, ayon kay Poe ay ang karapatan na mailibing.
Base sa inihain niyang Senate Bill 1229 o Burial Assistance Act of 2016, ang mga bangkay na hindi nakukuha sa mga punerarya, maging ang mga hindi nakilala kahit ano pa ang ikinamatay nito ay dapat mailibing.
Layon ng panukala na mapalawig ang burial assistance na ibinibigay ng DSWD.
Nakapaloob sa panukala ni Poe na ang ibibigay na tulong ay kasama na ang halaga ng kabaong hanggang sa pagpapalibing na ang halaga ay hanggang P10,000.
Giit nito, hindi na rin maaring idahilan ng DSWD ang kawalan o kakulangan ng mga kinauukulang dokumento para hindi magbigay ng burial assistance.
MOST READ
LATEST STORIES