Watch: Pambato ng Pilipinas sa katatapos na Miss Earth 2016 inulan ng online bashing

Miss Imelda
Inquirer file photo

Inulan ng batikos mula sa mga netizens si Imelda Schweighart, ang kandidata ng bansa sa katatapos na Miss Earth 2016.

Base sa kumakalat na Video, makikitang kausap ni Schweighart ang kanyang mga taga-suporta habang sinisiraan Miss Ecuador Katherin Espin na siyang nanalo sa katatapos na beauty pageant.

Sinabi ni Schweighart na peke ang ilong, baba at dibdib ng nanalong Miss Earth bagay na nagpagalit sa mga netiznes.

Hindi ito ang unang pagpapakataon na nalagay sa kontrobersiya si Schweighart.

Noong nakalipas na buwan ay inihalintulad ng nasabing beauty contestant si Pangulong Rodrigo Duterte sa lider ng Nazi na si Adolf Hitler pero makalipas ang ilang araw ay kaagad din siyang humingi ng paumanhin sa publiko.

Hindi pa naglalabas ng komento sa panibagong kontrobersiya na kanyang kinasasangkutan si Schweighart.

 

https://https://www.youtube.com/watch?v=soO9V5YjW3o

Read more...