Proposed burial site para kay Marcos sa LNMB off-limits sa publiko

Marcos site
Inquirer photo

Sarado sa publiko ang isang bahagi ng Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig City na sinasabing magiging himlayan ng mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sakaling bigyan na ito ng ‘”go signal” ng Mataas na Hukuman.

Para hindi makita ng mga tao ang bahagi ng libingan ay tinakpan ito ng kulay berde na mga yero.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang Armed Forces of the Philippines kaugnay sa nasabing isyu.

Batay sa panuntunan ng LNMB, mga naging pangulo ng bansa, national heroes, national artists, national scientists, mga beterano ng mga digmaan, medal of valor awardees, mga naging kalihim ng Department of National Defense, government dignitaries, statesman, aktibo o retiradong kasapi ng AFP,PNP at Philippine Coast Guards at asawa ng mga naging pangulo ng bansa ang pwedeng bigyan ng hero’s burial.

Magugunitang ilang beses na pinalawig ng Supreme Court ang desisyon kaugnay sa mga petisyon sa paglilibing ni Marcos sa LNMB.

Tumanggi na ring magkomento pa sa isyu ang Pamilya Marcos sa pagsasabing hihintayin na lamang nila ang desisyon ng Mataas na Hukuman sa isyu.

Read more...