Tumaas na ng limampung porsyento ang presyo ng mga bulaklak sa Farmer’s Market sa Cubao, Quezon City, bago ang mismong araw ng Todos Los Santos.
Ang ordinaryo o simpleng Malaysian mums ay nagkakahalaga ng 200 hanggang 250 pesos.
Pero ang flower arrangement ng naturang bulaklak ay nasa pagitan ng 450 hanggang 500 pesos.
Ang tropical flowers ay mabibili na sa halagang 1000 hanggang 1500 pesos.
Ang kada tatlong piraso naman ng paper roses ay nagkakahalaga ng 250 pesos, habang ang flat spray orchids ay mabibili presyong 1000 hanggang 1200 pesos.
Bagama’t mataas na ang presyo, malakas pa rin ang bentahan ng mga bulaklak lalo na ang mga naka-ayos o arranged na.
Karamihan sa mga bulaklak ay galing sa Baguio City.
Sa Manila Memorial Park naman sa Parañaque, matumal pa rin ang bentahan ng mga bulaklak.
Pero posibleng simula bukas ng madaling araw ay lalakas na ang bentahan ng mga bulaklak.
Inaasahang tataas na rin ang bentahan ng bulaklak sa Dangwa sa Maynila, na pangunahing dinadayo ng mga bumibili ng mga bulaklak tuwing Undas.