Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Public Affairs Committee, isang Christian obligation ang pagdarasal para sa mga sumakabilang-buhay na.
Pero higit aniya na ipanalangin ang mga namatay sa marahas na pamamaraan dahil hindi sila naging handa sa kamatayan.
Sinabi ni Farther Secillano na marapat na ipagdasal ang kaluluwa ng mga biktima at pagpapatawad sa kanilang mga nagawang kasalanan.
Samantala, sinabi ng CBCP official na may mga misa na iba’t ibang mga simbahan na alay para sa EJK victims.
May mga opisyal ng simbahang Katolika ang bumabatikos sa paraan ng Duterte administration na ipatupad ang drug-war nito, na nagtatala ng kabi-kabilang kaso ng pagpatay sa mga hinihinalang drug pushers at users.