Walong sundalo sugatan sa bakbakan sa Patikul, Sulu

 

Walong sundalo ang iniulat na nasugatan sa pakikipagbakbakan sa Abu Sayyaf group sa Patikul, Sulu, Linggo ng hapon.

Sa inisyal na ulat, nakalaban ng mga sundalo ang umano’y nasa higit isandaang mga bandidong grupo.

Wala pa namang ulat kung may nasaktan o nasawi sa mga miyembro ng Abu Sayyaf.

Matatandaang pinaigting ng pamahalaan ang opensiba laban sa bandidong grupo dahil sa mga kaso ng kidnapping na naganap sa rehiyon ng Mindanao.

Ilan sa mga biktima ng ASG ay mga tripulante ng mga cargo ship na dumadaan sa karagatan sa timog na bahagi ng bansa.

Read more...