Mula sa dating 92,002 na kabuuang bilang ng mga inilikas dahil sa super bagyong Lawin, tanging 3,709 o 1,038 na mga pamilya na lamang ang mga residenteng nananatili ngayon sa 20 mga evacuation centers.
Ito ay ayon mismo sa pinakahuling relief assistance report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na inilabas kahapon.
Ayon pa sa nasabing report, kabuuang P86,024,024,139 na ang halaga ng naipa-abot na tulong ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyo.
As of October 30, nagamit at naipamigay na rin ang 61 percent ng P840 milyong halaga ng standby funds and stockpile, kaya naman may natitira pang P332,802,685.
Nakasaad sa nasabing report ang lahat ng mga updates tungkol sa mga nasalanta ng naturang bagyo na binibigyang ayuda ngayon ng pamahalaan sa mga rehiyon ng Cordillera Administrative Region, Regions 1, 2,3 at 5 noong October 20.