Bangka lumubog, 68 pasahero dalawang oras nagpalutang-lutang sa dagat

 

Inquirer file photo

Nakaligtas sa kapahamakan ang nasa 68 sakay ng isang pumpboat matapos silang mailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard makaraang tumaob ang kanilang bangkang sinasakyan sa karagatang sakop ng Bohol Linggo ng hapon.

Dalawang oras na nangunyapit sa tumaob na  MB Renel Cruiser ang mga biktima bago nasagip lahat ng mga tauhan ng PCG ang mga biktima.

Ayon sa ulat, Linggo ng umaga nang umalis ng Bgy. Looc sa Mandaue City ang MB Renel Cruiser at lumayag patungong  Pitogo port sa bayan ng President Carlos P. Garcia.

Gayunman, habang papalapit sa Pitogo port, tumama sa isang nakalutang na kawayan ang bangka na dahilan upang mabutas ito at tumaob.

Nakaresponde naman ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard kaya’t nailigtas ang mga biktima na kinabibilangan ng limang kabataan at dalawang sanggol.

Read more...