Ayon kay Immigration Bureau commissioner Jaime Morente, sisimulan ang reshuffle sa November 01, 2016 at masasakop nito ang mga immigration officers at intelligence officers sa lahat ng NAIA terminals.
Sinabi ni Morente na ang reshuffle sa hanay ng immigration officers ay gagawin kada tatlo o apat na buwan, depende sa pangangailangan.
Paliwanag ni Morente, ang reshuffle sa mga personnel ay layon ding mapalakas ang serbisyo ng B.I., lalo na’t inaasahang ang pagdagsa ang mga pasahero sa paliparan sa holiday season.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Morente na nasa apatnapung bagong immigration officers ang nakatakdang mag-report sa NAIA ngayong linggo.
Sila ay tatao sa immigration arrival at departure counters ng NAIA.
Noong unang bahagi ng Oktubre, na-reassign o nalipat sa NAIA ang aabot sa tatlumpung immigration officers mula sa BI main office at iba pang field offices.