Shipments ng ‘coal’ sa Pilipinas, tuloy sa kabila ng mga insidente ng ‘piracy’

 

Inquirer file photo

Ipagpapatuloy pa rin ng Indonesia ang mga shipments nito ng ‘coal’ papunta sa Pilipinas, sa kabila ng pagkabahala nila sa pamimiratang nagaganap sa karagatang pumapagitan sa dalawang bansa.

Matatandaang nitong taon rin lamang ay nagpatupad ng moratorium ang Indonesia sa coal shipments sa Pilipinas, matapos ang serye ng mga hijacking ng mga militanteng grupo sa Katimugang bahagi ng bansa kung saan ilang Indonesians ang dinukot at binihag.

Sa ngayon, tanging ang mga barko na may kakayahang magdala ng 500 tonelada ang papayagang maglayag, at hindi ang mga maliliit na barko at tugboats.

Ayon kay Indonesian Transportation Ministry official Tonny Budiono, lahat ng mga barko ay dapat na maglayag lamang sa itinakdang daanan sa paligid ng southern Philippines at east Malaysia upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Indonesia ang nagsu-supply ng 70 percent ng uling ng Pilipinas, ngunit nahinto ito dahil sa mga pamimiratang nagaganap sa Sulu sea na inaasahang maging kasing lubha na ng nangyayari sa Somalia.

Read more...