Code White Alert, itinaas na ng DOH para sa Undas

fabella-hospital
File photo

Inilagay na ng Department of Health sa Code White Alert ang lahat ng mga ospital at regional offices nito sa buong bansa.

Ito ay bilang paghahanda sa anumang health related incidents na maaaring mangyari sa kasagsagan ng paggunita ng Undas.

Ayon kay DOH Spokesperson Dr. Eric Tayag, idinedeklara ang ‘Code White Alert’ kapag mayroon national event sa bansa.

Bagaman hindi iniiwasan ang mga emergency conditions, dapat pa rin na nakahanda ang mga ospital sakaling may mangailangan ng atensyong pang medikal.

Sinabi din ni Tayag na lahat ng medical teams ay naka-standby na simula ngayong araw.

Kasabay nito, makikipagtulungan ang DOH sa iba pang ahensya tulad ng Bureau of Fire Protection, Metro Manila Development Authority at local government health units para sa anumang health emergency response.

Nagpaalala naman ang DOH sa publiko na magdala ng sariling tubig at pagkain kapag bibisitahin ang mga yumaong mahal sa buhay dahil hindi nakakasiguro na malinis ang mga ibinebentang pagkain sa loob at labas ng sementeryo.

Tatagal ang ‘Code White Alert’ ng DOH hanggang November 2.

Read more...