Upang maiwasan ang posibleng bomb attack sa kasagsagan ng paggunit sa Undas, magdedeploy ang Armed Forces of the Philippines ng K-9 units at explosive ordinance disposal teams sa entry at exit points sa mga lungsod sa Metro Manila.
Ito ang inanunsiyo ni AFP chief-of-staff Gen. Ricardo Visaya kasabay ng paglalatag ng security measures sa araw ng Undas.
Ayon kay Visaya, ang pagdedeploy ng specialized units ay bahagi ng pagsusumikap ng militar na tiyakin na magiging mapayapa ang paggunita sa All Saints at All Souls Day sa November 1 at 2.
Pagtitiyak pa ng AFP, magbabantay ang buong pwersa ng militar kasama na ang marines, sailors at airmen ngayong Undas para sa maayos at mapayapang paggunita sa yumaong mga mahal sa buhay.
Humiling naman ang AFP sa publiko na makipagtulungan at maging alisto sa anumang kapahamakan na maaari nilang maranasan.