Ayon sa weather bureau, sakaling mabuo ang LPA, posibleng pumasok ito sa bansa sa Martes, November 1 o araw ng Undas.
Bukod dito, sinabi din ng PAGASA na makakaranas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi sa Visayas, Mindanao at Palawan hanggang sa Araw ng mga Patay.
Ito aniya ay dahil sa umiiral na Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Maaaring magdala ang ITCZ ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Cataduanes, Camarines Sur, Albay at Sorsogon sa November 1 at 2.
Ang Cagayan, Isabela at Ilocos Norte ay makakaranas naman ng makulimlim na panahong na may mahinang pag-ulan.
Pero ayon pa sa PAGASA, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay inaasahang makararanas ng mainit na panahon sa araw ng Undas.