‘Most wanted personality’ sa Las Piñas, napatay sa isang operasyon

Police banner
Police banner

Patay sa shootout sa kasagsagan ng isang police operation ang ‘most wanted personality’ ng Las Piñas City, gabi ng Sabado.

Bukod dito, naaresto rin sa naturang operasyon ang isang drug suspect.

Ayon kay Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Las Piñas Police, kinilala ang napatay na suspek na si Allan Asibar habang ang naaresto naman ay si Jennifer Natera.

Nagsagawa aniya ang mga operatiba ng “One Time, Big Time” operation kagabi kung saan tinangka pang tumakas ni Asibar.

Narekober ng mga pulis kay Asibar ang isang 30 caliber na baril.

Samantala, nakuha naman kay Natera ang pitong sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Pero mariing itinanggi ni Natera na nagbebenta siya ng shabu at matagal na siyang sumuko sa Oplan Tokhang.

Read more...