Naglabas ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ng commemorative stamp bilang selebrasyon sa ika-75th anibersayo ng Philippine Airlines (PAL).
Dinisenyo ang nasabing selyo ng graphic artist ng PHLPost na si Rodine Teodoro base sa ibibigay na litrato ng PAL.
Nakapagloob sa selyo ang imahe ng PAL na lumilipad sa world map kung saan kulay asul ang mapa ng Pilipinas habang kulay abo naman ang mga nalalabing bansa.
Sa itaas ng bahagi ng stamp, makikita ang salitang “Pilipinas” kasunod sa ilalim ang “Philippine Airlines 75” at bagong slogan na “The Heart of the Filipino”.
Ayon sa Amstar Co, PHLPost commissioned security printer, maglalabas ng 101,000 na kopya ang PHLPost at ibebenta ng labing-dalawang piso kada piraso.
Maaaring makabili ng PAL 75th anniversary stamp sa Post Shop ng Central Post Office sa buong bansa.