Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na aaprubahan ng Korte Suprema ang implementasyon ng curfew hours para sa mga menor de edad.
Ayon sa pangulo, hindi makokonsidera bilang isang criminal proceeding ang nasabing curfew dahil ito ang magsisilbing mekanismo upang maproteksyunan ang mga kabataan sa masasamang-loob.
Noong Hulyo, matatandaang naglabas ang high tribunal ng temporary restraining order laban sa curfew hours mula alas diyes nang gabi hanggang alas singko nang umaga sa Maynila, Quezon City at Navotas matapos tumutol ang isang youth group dito.
Maliban sa kaligtasan ng mga menor de edad, nais din ni Duterte na turuan ang mga magulang na maging responsable sa kanilang mga anak.
MOST READ
LATEST STORIES