GCG Governance Commission Flores, nagbitiw na sa pwesto

final gcgNagbitiw na sa puwesto si Governance Commission for Government-owned and Controlled Corporations Jaime Ma. Flores.

Base sa abiso ng GCG sa kanilang website, naging epektibo ang pagbibitiw ni Flores noon pang Oktubre 24.

Si Flores ang kauna-unahang cabinet members ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbitiw sa puwesto.

Nanumpa si Flores sa kanyang puwesto noon lamang August 1 sa harap ng pangulo sa Malakanyang.

Kinumpirma naman ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar ang pagbibitiw sa puwesto ni Flores subalit tumanggi nang magbigay ng rason.

Sa ngayon ay naghihintay pa ang GCG ng tugon mula sa Office of the President.

Tiniyak naman ng GCG na bagamat nagbitiw na si Flores, tuloy pa rin ang pagbibigay serbisyo-publiko.

 

Read more...