Hinihinalang drug pusher, patay sa isang raid sa Leyte

LEYTENapatay ng pulisya ang hinihinalang tulak ng droga sa loob ng selda sa Baybay City, Leyte.

Kinalala ang suspek bilang si Fernando Balagbis alias Intoy at Uncle.

Ni-raid ng Regional Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group ng pulisya Eastern Visayas ang naturang kulungan matapos mapag-alaman na nagtutulak ng droga si Balagbis sa loob nito.

Ayon sa pulisya, pinaputukan ng suspek ang mga operatiba habang lumalapit ang mga ito sa kanya, kaya binaril ito ng mga pulis.

Nasabat sa loob ng kulungan ang .45 Colt pistol at ilang sachet ng shabu.

 

 

Read more...