NAIA, todo-handa na para sa Undas

NAIA1Todo handa na ang Ninoy Aquino International Airport para sa paggunita sa Undas.

Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, may nakalatag ng operation plan para sa pagdagsa ng mga pasahero.

Dagdag ni Monreal, noong nakaraang linggo pa ay inilagay na sa heightened alert status ang NAIA.

Ayon kay Monreal, nagsagawa na rin ng inter-agency meeting ang pamunuan ng MIAA kasama ang mga barangay officials, Southern Police District, Pasay City government, Philippine National Police Aviation group para sa seguridad at daloy ng trapiko sa paligid ng mga paliparan.

Pinayuhan pa ni Monreal ang mga pasahero na maagang magtungo sa mga airport, dalawat kalahating oras bago ang kanilang flight.

Read more...