Ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella, tatlong araw na nilang naobserbahan na wala nang mga barko ng Chinese Coast Guard na humaharang sa mga Pilipinong mangingisda.
Dahil dito, mas malaya na aniyang nakakapangisda ang mga Pilipino sa Panatag.
Gayunman, tumanggi naman si Abella na pangalanan ang kaniyang source, at sinabing sa ngayon ay iyon pa lamang ang kaniyang maibibigay na impormasyon.
Matatandaang sa kaniyang talumpati sa pagtungo niya sa mga nasalanta ng bagyong Lawin sa Cagayan at Isabela, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na natalakay niya ang usapin sa Panatag kasama ang mga opisyal ng China sa kaniyang state visit doon.