Pres. Duterte, nag-uwi ng $19-B financial deals mula Japan

 

Umaabot sa 19 na bilyong dolyar ng mga loans at investments ang naiuwi ni Pangulong Rodirgo Duterte sa kanyang pagbabalik  mula sa tatlong-araw na pagbisita sa Japan.

Malaking bahagi nito o nasa $17.2 bilyon, ay inialok sa Pilipinas ng Marubeni Corp., isa sa pinakamalaking integrated trading and investment business conglomerate ng Japan.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ang Marubeni ay magiging bahagi ng $3.2 billion short term at 14 billion dollar medium to long term projects.

Kasama sa naturang mga proyekto ang may kinalaman sa pagtatayo ng mass transport system, roads and highways, tubig at elekstrisidad.

Kasama rin sa financial package ang $157 million official development loan na magbibigay ng dalawang bagong patrol vessel sa Philippine Coast Guard.

Read more...